Kahit anong pagbigil ng elemento ni Kapitan Kidlat ay padami ng padami ang paglindol at pagsabog ng mga bulkan sa planetang Leondro. Ang hilagang parte ng planeta ay bumibigay na at karamihan sa mga nilalang nito na mistulang patak ng ulan ay nalusaw na sa pagsabog ng bulkan at natabunan na ng mga gumuhong lupa sa paglindol. Pahirap ng pahirap ang situasyon sa Leondro. Sa pinaka gitna ng loob ng planeta ay namumuo ang isang malaking sakuna. Tumitindi at dumarami ang hindi magandang nangyayari ----lindol, bagyo, pagsabog ng mga bulkan, lumalakas na negative electrical charges at ang pagka-biyak-biyak ng mantel ng planeta. Likas na matulungin, kahit mahina pa ang elemento ni Kapitan Kidlat ay ginagawa ang lahat ng makakaya para mapanatiling buhay ang planetang Leondro. Lahat ng nangyayari sa Leondro at sa elemento ni KK ay sinusubaybayan ni Amang Zeus. Gustong-gusto na niyang tulungan ang anak pero ang pagiging hari ng mga diyos at diyosa ang nagpipigil sa kanya. Ayaw niyang maging simula ng hindi pagkakaunawaan ang pagtulong niya sa pinakamamahal na anak. Humingi ng tulong si Amang Zeus kay Haring Suz, ang diyos na may kapangyarihan at nanakop sa Leondro na tulungan si KK at ang mga nilalang ng namimilagrong planeta. Nabigla si Amang Zeus dahil isang napakalaking bulalakaw ang papasugod tungo sa planetang Leondro. Sa laki ng bulalakaw na halos kalahati ng planeta ay siguradong magugunaw ito at ang mga nilalang dito kasama na ang elemento ni KK. Magiging katapusan na talaga ni Kapitan Kidlat kung mangyayari ito. Hindi maunawaan ni Amang Zeus kung bakit papahintulutan itong mangyari ni Haring Suz gayong may kapangyarihan siya upang itaboy ang bulalakaw palayo sa Leondro. Hindi matatanggap ni Amang Zeus na tuluyang mawala si Kapitan Kidlat. Kailangan niya ang tulong ni Kapitan Kidlat sa darating na panahon para masiguro ang katahimikan sa daigdig ng mga diyos at diyosa. Alam ni Amang Zeus na karamihan sa mga kasamanahan niyang diyos at diyosa ay pagod na pagod na sa pakikipagtunggali sa kapwa diyos at ngayon pa lang nila nalalasap lahat ang tamis ng katahimikan. Ngunit alam rin ni Amang Zeus na may mga grupo ng diyos at diyosa na naghihintay lang nang pagkakataon para maialis siya bilang Hari ng mga diyosas. Mapupusok ang mga grupo na ito at nangangati na gamitin ang kanilang kapangyarihan laban sa kapwa diyos. Ang kapangyarihan lang ni Amang Zeus at ng tatlong (3) nakakatandang diyos lang ang nakakapagpapigil sa mga masamang balak ng mapupusok na diyosas. Kung darating man ang panahon na masilaw ang mga ka-kampi niyang diyosas sa pangako ng mga kumakalaban sa kanya ay kailangang siguraduhin niyang mas makapangyarihan pa rin siya sa lahat. At dito niya kailangan si Kapitan Kidlat. Kung magkasanib silang dalawa ay walang grupo ng mga kalaban na diyosas ang basta-basta matatalo sila. Ang lakas nilang mag-ama ay katumbas ng lakas ng 12 diyosas. Gagamitin na ni Amang Zeus ang authoridad niya sa bulalakaw ng mapansin niyang nakasakay si Haring Suz sa mismong bulalakaw at nakangiti sa kanya. Kailangan niyang pagkatiwalaan ang layunin ng kanyang kaibigang si Haring Suz. Ilang sandali pa ay nagpaikot-ikot ang bulalakaw sa planetang Leondro at hinigop lahat ang mala-patak ng ulan na nilalang nito kasama na ang elemento ni Kapitan Kidlat at matuling bumulusok papalayo sa planeta. Biglang tumahimik ang buong planeta at sa isang halos nakakabinging katahimikan ang pumaibabaw sa buong Leondro. Isang kisapmata pa at isang pagka-lakas lakas na pagsabog ang naganap. Ang mga pira-pirasong bahagi ng planeta ay naging isang nagbabagang lupain at unti-unting hinihigop ng gravitational pull ng kanilang araw.
Ilang sandali pa ay nagpaikot-ikot ang bulalakaw sa planetang Leondro at hinigop lahat ang mala-patak ng ulan na nilalang nito kasama na ang elemento ni Kapitan Kidlat
uLTIMATE BUSINESS PAK
uLTIMATE BUSINESS PAK © All Rights Reserved