MATALINONG ZEUS
Magmula nang “nawala” si Kapitan Kidlat sa mundo ng tao ay naging masyadong malulungkutin si Zeus. Nababahala siya sa magiging kahihinatnan ng sangkatauhan (humanity). Hindi tulad noong, maasahan niya si Kapitan Kidlat sa kabutihan ng mga tao. Nakakapanghinayangan kung ang isa sa pinakamagandang nilikha sa sangkalibutan (tinutukoy dito ay ang mga tao) ay magiging masama, walang kaluluwa at magiging isang parang mabangis na hayop. Alam ni Zeus na matatalino ang tao at ang ikakabuti o ikakasama ng sangkatauhan ay nasa mga tao rin. Ngunit masyado pang bata ang mga tao para pabayaan sa kanyang sarili. Ngayon pa lamang natutuklasan ng mga tao ang kanyang kakayahan at kadalasan ay sa kasamaan nila ito nagagamit kagaya ng paggawa ng pana, kutsilyo, baril, bomba, at iba pa. Kadalasan, ang paghahangad ng mga materyal na bagay ang nangingibabaw sa mga tao. Alam ni Zeus ang kahinaan ng tao at iyong ay ang walang kasiyahan sa karangyaan. Parang mas maganda pa ang situwasyon noong nabubuhay ang mga tao sa kuweba. Simple lang ang buhay. Pumapatay man sila noon ay para ipagtanggol ang sarili at ang pamilya nila. Hindi kagaya ngayon, pumapatay ang tao para angkinin ang hindi kanya at samantalahin ang isa pang kahinaan ng tao--- ang pagtitiwala sa kapwa tao. Alam rin ni Zeus na sa darating na mga panahon ay may posibilidad na magkakaenkuwentro muli ang mga anak ng diyos. Ang panghihimasok ng isang diyos na kagaya niya ay hindi na mangyayari dahil sa napagkasunduan nila noon pero hindi sakop ng kanilang kasunduan ang mga anak diyos. Ang isang diyos ay BAWAL magkarelasyon o mag asawa ng kapwa diyos. Ito ay para siguruhan ang pagiging “independence” nila sa iba pang diyosa. Ngunit hindi ipinagbabawal ang pagkakaroon ng relasyon o anak ng isang diyos sa ibang lahi na kagaya ng tao. Ang bunga ng pagrerelasyon ng isang diyos sa ibang lahi ay tinatawag na anak diyos. Para lubusang makasiguro sa pananatili ng sangkalawakan ay isa pang kasunduan ang binigyan bisa ni Zeus. Ang sino mang anak diyos na makipag laban sa isang diyos o kapwa anak diyos AT magapi/matalo ay mawawala ng ilang panahon sa mundo ng mga tao at pinagbabawalan na mabisita ang kanilang mga diyosang magulang. Kapag nawala ang anak diyos sa mundo ng kanyang ginagalawan mapasa mundo man ng tao o ng ibang planeta, ay mawawala rin ng pinuno ang isang elemento ng kanyang diyosang magulang. Ang diyos na kagaya ni Zeus ay naghahari sa maraming elemento at bawat grupo ng elemento ay pinamumunuan niya o ng kanyang anak. Isang tradisyon na sa mundo ng mga diyos na ang bawat anak diyos ay pinuno ng isang grupo ng elemento ng kanyang diyosang magulang. Dahil walang nag aalaga sa mga elemetong ito ay mawawalan rin sila ng direksiyon at kung sa di sinasadyan pagkakataon ay banggain nito ang isa pang elemento ng pag aari ng ibang diyos ay puwede itong mawala na parang bula. Ang pagkawala ng isang elemento ay pagkawala rin ng lakas at kapangyarihan ng pinuno nitong diyos. Dahil sa kasunduan na ito ay natuwa ang diyosang ina ni Malikmata. Mabubuhay na muli ang anak niya na nagapi ni Kapitan Kidlat. Magbibilang lang nga ng ilang panahon dahil sa kalapastanganan nito at dahil natalo siya ni Kapitan Kidlat. Ang mahalaga sa kanya ay babalik ang anak niya at sa pagbabalik nito ay pipilitin niyang maging isang mabait na anak diyosa ito. Binisita niya si Zeus at ipinahayag niya ang paghanga niya sa katalinuhan ni Zeus. Nararapat talagang maging pinuno ng mga diyos si Zeus ! At dahil na rin sa kasunduan na nilakdaan ng mga diyos, ang pagkawala ni Kapitan Kidlat ay sa mundo lamang ng mga tao. Bilang anak ni Zeus, si Kapitan Kidlat ay isang immortal rin at ang kanyang kaluluwa at kapangyarihan ay mananatili sa elementong “kidlat”. Ang paglalabanan ng mga anak diyos ay bibihira lamang mangyari at pag mangyari man ito ay halos parehong talunan ang kinalalabasan nito. Dahil sa tindi ng enerhiya na nagagamit ng bawat isa sa kanilang pagtutungali, halos para silang nauubos na kandila sa tuwing maglalabanan. Pahina ng pahina ang lakas ng bawat isa sa tuwing magkakasalpukan sila at ang anak diyos na may nanatiling enerhiya sa katawan ang siyang magwawagi. Matatawag mo bang pagwawagi kung ikaw ang anak diyos na natitira sa labanan? Ang pagwawagi mo lang ay kung ikaw ang huling anak diyos na nakatayo o may ulirat pa. Ang natalong anak diyos ay nawawala ang pisikal na anyo nito at nagkakahiwa- hiwalay, sumasanib sa kapwa elemento nito at nagpapalakas. Naghihintay na lumakas muli ang ibang bahagi nito hanggang magkaroon ito ng enerhiya na sapat para makabalik ang bawat parte nito sa kanyang dating anyo at magkaroon ng pisikal na hugis. Ang anak diyos na nanalo ang mas maagang nakakabalik sa kanyang dating hugis. Panahon lamang ang mamagitan sa kaniyang nakalaban at muli silang magkikita. Depende sa situwasyon. Kung sa pagbabalik muli ng natalong anak diyos ay mas kumunti ang kanyang elemento sa sanglibutan ay malamang na iwasan na niya ang dating katunggali para di na muling bumalik sa matinding pagkakahimbing. Mas kakaunti ang elemento ng isang anak diyos ay mas mahina ang kapangyarihan niya.
Alam ni Zeus na matatalino ang tao at ang ikakabuti o ikakasama ng sangkatauhan ay nasa mga tao rin.
/ accountability & responsibility /
my mama mary / abutin / kapitan kidlat / ultimate business pak / seattle mabuhay lions & we care clubs / kwentong pinoy / pagdiriwang / beloved