Sa kagustuhan ni Haring Zeus na makabalik at Makita sa lalung madaling panahon ang pinakamamahal niyang anak na si Kapitan Kidlat ay minabuti niyang ipadala ang mga elemento ng anak sa planetang Leondro. Ang planetang Leondro ay nasa bingit ng pagsabog resulta ng ‘chemical inbalance’ ng planeta. Ang mga nilalang dito ay mga henio sa larangan ng ‘physics’, ‘chemistry’, at ‘gravitational forces’. Dahil sa magkakahalong experimento na sa una ay nakakabuti sa mga nilalang at planeta ay nagkaroon ng chemical change na nagsanhi ng pagbabago sa klima at ‘element distribution equation’ sa Leondro. Ang mga nilalang dito ay mukhang tao noon pero dahil sa teknolohiya ay nagbago ang kanilang anyo (nag-evolve) na parang likidong nilalang na imbis na dugo ang dumadaloy sa kanilang mga ugat ay mga ‘atomic fusion’ ang nagbibigay lakas sa kanila. Natuklasan ng mga ninuno nila na sa pamamagitan ng ‘genetic alteration’ sa kanilang dna na magpapabago sa kanilang dugo ay hindi na nila kailangang kumain pa at magpahinga ng mahigit sa isang oras. Ang kanilang mga katawan ang humihigop ng mga elemento na kailangan niya para manatiling malakas at matalino. Para siyang isang baterya na may sariling re-charger. Walang nasasayang na pagkain o sustansiya sa kanila dahil lahat ay pinoproceso ng kanilang mala-kuryenteng ugat. Lahat ng mabuti ay hindi nakakabuti ang nalilikha at hindi lahat ng masama ay nakakasama. Kagaya na lang sa planeta ng mga tao, ang hydrogen at oxygen na kemikal na nakakasabog pero sa tamang timpla ay nagiging h2O o tubig. Ang sodium at chlorine ay parehong lason na kemikal pero pag pinagsama mo at sa tamang timpla ay nagiging asin. Ang tubig at asin ay ilan sa mga bagay na nagbibigay buhay sa tao. Kabaligtaran ang nangyari sa Leondro. Mga nakakabuting kemikals na hindi sinasadyang nagsamasama ang sumisira sa Leondro. Nagkaroon ng ‘gravitational pull’ sa lahat ng panig ng planeta. Ang magnetic field ng buong Leondro mas malakas pa kaysa sa pinakamalaking araw sa kanilang galaxy. Sa loob ng 10 segundo (time measurement sa mundo ng mga tao) ay sasabog na ang Leondro. Pero bakit dito gustong dalhin ni Haring Zeus si kapitan Kidlat? Anong buti ang magagawa ng isang mamatay nang planeta sa pinakamamahal niyang anak? Pagmasdan natin ang nangyayari sa Leondro. Bakit tila tahimik at hindi nagkakagulo ang mga nilalang dito na kagaya ng dapat nating makita pag may sakuna? Makikita natin ang mga apoy at nakakasilaw na magnetic fields sa kalawakan. Walang malalaking gusali na nakatayo, walang gubat, bundok, o siyudad. Nakakasindak. Nakakatakot ang lugar. Sa isang mundo na malapit ng sumabog ay isang mapayapang lugar ito. Lahat ng nilalang ay parang bato at tila hindi gumagalaw. Walang pagdududa na buhay lahat sila. TEKA, TEKA MUNA! Bakit lahat ng bagay dito sa Leondro ay parang litrato- walang gumagalaw, at parang huminto ang oras. Ang mga nilalang pala dito ay may kapangyarihang bumalik sa nakaraan, hindi physically pero mentally. Dahil sa tindi ng kanilang mental power ay nabubuhay ang kanilang diwa sa nakaraan at inihihinto nito ang takbo ng oras sa Leondro. Kung ang mga tao ay nangangarap na Makita ang ‘future’, ang mga nilalang ng Leondro ay tinatakasan ang ‘future’ at nagbabalik sa nakaraang panahon para manatiling buhay. May mga tao na nakikita daw ang future at may mga naitala na nagkakatotoo ang kanilang mga sinabi. Hindi kaya kagaya ng mga taga Leondro, ang mga tao ay bumabalik rin sa nakaraan para tumakas sa tinatawag na future. Walang makakapag-bago ng destinasyon. Lahat ay may kawakasan. Walang makakapagpabago nito
Sa kagustuhan ni Haring Zeus na makabalik at Makita sa lalung madaling panahon ang pinakamamahal niyang anak na si Kapitan Kidlat ay minabuti niyang ipadala ang mga elemento ng anak sa planetang Leondro.
/ accountability & responsibility /
my mama mary / abutin / kapitan kidlat / ultimate business pak / seattle mabuhay lions & we care clubs / kwentong pinoy / pagdiriwang / beloved