Ang mga elemento ni Kapitan Kidlat ay mabilis na nakapaglakbay sa sangkalibutan at madaling nakarating sa Planetang Leondro. Ang mental power ng mg nilalang doon ang nagbibigay buhay sa Leondro at ang kanilang electrical charges na nagsisilbing magnetic fields sa planeta ang nagbigay lakas sa mga elemento ni Kapitan Kidlat. Sa loob lang ng sampung sandali (na katumbas ng isang taon sa oras ng mga tao) magmula ng dumating ang mga element ay lumalakas ang electrical energy ng bawat elemento ni Kapitan Kidlat. Habang dumadaloy ang mga electrical charges sa mga elemento ay lalong lumalakas at lumalaki ito at parang magnet na nagkakadikit-dikit. Sa loob lamang ng 60 sandali sa Leondro ay magkakasama at naging isa na ang mga elemento ni Kapitan Kidlat. Isa pang sandali at ang electrical energy ng elemento ni Kapitan Kidlat ang bumubuhay sa Leondro. Sa mahabang panahon ay nakapagpahinga na ang pagod na kaisipan ng mga nilalang nito. Alam rin ng mga nilalang na di permanente ang lahat. Sa misteryosong pangyayari na sanhi ng makapangyarihang pagdaloy ng electrical energy ni KK sa Leondro ay naging compact ang mala-likidong anyo ng nilalang ng Leondro. Nag mistulang patak ng ulan ang bawat nilalang at naging malamig sila. Hanggang kalian mapapanatili ng elemento ni KK ang ilagay sa suspended animation ang Leondro. Alam ng elemento ni Kapitan Kidlat na may iba itong misyon. Papaano na siya mabubuo muli para maging isang ganap naKapitan Kidlat muli? Papaano ang mga nilalang ng Leondro na tumulong sa kanya na maging isang makapangyarihang elemento at nagbigay pagkakataon sa kanya na manumbalik ang kapangyarihan ng isang diyos? Ngayon na malamig na at wala nang electrical energy ang mga nilalanhgng Leondro, sino pa ang puwedeng magpanatili sa Leondro? Darating ang panahon na kailangang lisanin ng elemento ni Kapitan Kidlat ang planetang ito. Kagaya ng ibang dying planet, may surges rin ito na inilalabas bago sumabog at ito ay nararamdaman na rin ng mga element ni KK. Lahat ay gagawin ng makapangyarihang elemento para mailigtas ang mga nilalang ng Leandro. Papaano? Kakayanin ba ng elemento panatilihin at pigilan ang pagsabog ng planeta? Masyado pang mahina ang elemento para magkaroon ng kapangyarihan pigilin ito. Sa pagsabog ng planetang Leondro ay kasamang sasabog ang lahat. Kasama na ang element ni KK. Amang Zeus, kaya mo bang protektahan pa ang anak mong si Kapitan Kidlat? May posibilidad na pakinggan siya ng Amang Zeus at iwanan na ang malapit ng mamatay na planeta at ang mga nilalang nito. Nagaalinlangan gawin ito ni KK. Napakahina pa niya at lumalakas ang negative electrical charges ng planeta na sumasalungat sa positive electrical charges niya……
Sa nalalapit na pagsabog ng planetang Leondro ay kasamang sasabog ang elemento ni Kapitan Kidlat. Amang Zeus, kaya mo bang protektahan pa ang anak mong si Kapitan Kidlat?
uLTIMATE BUSINESS PAK
uLTIMATE BUSINESS PAK © All Rights Reserved