ANG RESPONSIBILIDAD
Habang pinapanood ng mga diyos ang pakikipaglaban ni Kapitan Kidlat laban sa kasamaan sa mundo at habang isa-isa niyang nagagapi (tinatalo) ang mga masasama ay isang matingding hiyaw ang bumigla sa grupo ng diyosas. Si Malikmata, Isa sa mga nagapi ni Kapitan Kidlat ay anak rin pala ng isang diyosa na malapit kay Zeus. Si Zeus ay ang Supremo Ama ng mga diyos, na ama ni Kapitan Kidlat.** Alam ng inang diyosa na masama ang kanyang anak at ito ay kanyang matagal nang itinakwil. Ngunit di niya mapigilan ang kanyang naramdaman ng makita niya kung papapaano napatay ni Kapitan Kidlat ang kanyang anak. Di matanggap ng diyosa ang pagkawala ng anak kaya isinumpa niya na pahihintuin niya ang paggalaw ng kanyang mga elemento na puwedeng isanhi ng pagkagunaw ng sangkalawakan. Nabigla si Zeus. Ano ba itong nangyayari?!? Ang kagustuhan lang naman nang mag-amang Zeus at Kapitan Kidlat ay ang katahimikan sa mundo ng mga tao. Lahat ng mga diyos ay sumumpa na magtutulungan basta walang manghihimasok sa pag- aari at gawain ng bawat isa. Ang pagpatay ni Kapitan Kidlat sa anak ng isang diyosa ay itinuturing na panghihimasok. Ang kapalit--ang buhay ni Kapitan Kidlat ! Mabigat man sa loob ni Zeus ay kailangan niyang gampanan ang kanyang responsibilidad bilang pinuno. Ngunit bago niya tanggalan ng lakas si Kapitan Kidlat ay gumawa siya ng isang kasunduan sa lahat ng diyos. Magmula sa oras na iyon ay pinagbabawalan ang lahat ng diyos at mga anak nila na magpunta sa mundo ng tao. Hindi na nila pakikialamanan ang pagiging mabuti o pagiging masama ng sangkatauhan. Ang patuloy na pagkabuhay ng sangkalawakan ang kanilang sisiguruhin sino pa man ang naninirahan dito. Alam ng mga diyos na kailangang may mamatay para magbigay buhay sa iba. Lahat ng diyos ay humudyat ng pangsang-ayon sa kasunduan. Si Zeus ang huling nagbigay ng kanyang hudyat at sa pagkakataon na iyon ay naramdaman ni Kapitan Kidlat ang panghihina, ang pagkahilo na ni kailan man ay hindi pa niya nararanasan. Isang matulis na bagay ang naramdaman niyang tumusok sa likuran niya. Tumagos ang "hook" ni Kalawit sa katawan niya at napunit ang kalamnaman ni Kapitan Kidlat. "Amang Zeus, ano itong nangyayari sa akin? Hindi ako dapat mamatay. " Tinipun ni Kapitan Kidlat ang lahat ng lakas niya at binigyan niya ng isang matinding KIDLAT ang nag-iisang natirang kalaban. Sa tindin ng kuryente na tumama kay Kalawit ay nasunog rin si Kapitan Kidlat. Bago siya nawalan ng buhay ay nabigkas pa niya ang "Paalam kaibigang Inocencio!". Isang matinding kidlat ulit ang lumabas galing sa langit papunta kay Kapitan Kidlat. Sumabog ang katawan ni Kapitan Kidlat at isang bagay ang tumilpon dito- - - Ang katawang tao ni Inocencio Santos. **bawat diyos o diyosa ay may kanya-kanyang kapangyarihan at kakayahan na naiiba at wala (unique) sa ibang mga diyos. Ang bawat elemento na angkin ng isang diyos ay di kayang kunin o isailalim sa kapangyarihan ng iba. Kung ang isang elemento o bagay na pag aari ng isang diyos ay nakakasagabal sa layunin ng ibang diyos, puwedeng hilingin ito sa nag-me-mayaring diyos na alisin. Ang paglipon (destroy) sa elemento ay siguradong hahantong sa isang duelo. Ang paglipon sa isang elemento ay mababayaran sa pamamagitan ng paglipon sa isang elemeto na pag aari nito. Ang bawat elemento na pag aari ng iba't ibang diyos ay kailangan sa pagkabuhay at kamatayan ng sangkalawakan. At para hindi mawala ang balanse ng kapangyarihan, nag kasundo-sundo ang mga diyos na maghalal ng isang pinuno, si Zeus, na walang ibang layunin kung hindi ang pagka-kasundo sundo ng mga diyos at siguruhin ang patuloy na pagkabuhay (existence and survival) ng sangkalawakan.
Ang pagpatay ni Kapitan Kidlat sa anak ng isang diyosa ay itinuturing na panghihimasok. Ang kapalit--ang buhay ni Kapitan Kidlat !
/ accountability & responsibility /
my mama mary / abutin / kapitan kidlat / ultimate business pak / seattle mabuhay lions & we care clubs / kwentong pinoy / pagdiriwang / beloved